Celebrity Life

Nicole Donesa, si Mark Herras ang pinaglihian

By Dianara Alegre

Ibinahagi ng soon-to-be mom na si Nicole Donesa na naging mahirap ang pagbubuntis niya dahil sa morning sickness at kanyang pinaglihihan.

Ang fiancé niyang si Mark Herras kasi ang napaglihian niya at aminado ang aktor na hanggang ngayon ay siya pa rin ang pinaglilihian ni Nicole.

Mark Herras at Nicole Donesa / Source: nicole_donesa (IG)

Sa panayam ng 24 Oras, sinabi ni Nicole na naging mahirap para kay Mark ang kanyang pagbubuntis.

“Mahirap. Ako, spoiled ako. Mahirap sa kanya, kawawa si Mark,” aniya.

Sabi naman ni Mark, “Until now, ako 'yung talagang pinaglihian niya na talagang mawala lang ako ng kaunti sa tabi niya, magagalit na siya.

“Aakyat lang ako sa taas, sa pinsan niya, nagagalit na sa akin.”

Biro pa ni Mark, “subok na subok” daw ang pasensiya niya kasabay ng pagdadalantao ni Nicole.

Samantala, limang buwan nang buntis ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actress bago nila ipinaalam sa publiko na magkakaroon na sila ng anak.

Ayon kay Mark, pinili muna nila itong ilihim dahil na rin sa mga “nangyayaring problema sa bansa.”

“Siguro kaya namin siya in-announce ng medyo late, siguro parang ang dami kasing nangyayaring problema sa bansa o sa mundo.

"Ayaw naman namin na…baka kasi sabihin ng ibang tao, nagpapapansin,” lahad niya.

Dagdag pa ni Nicole, “We really want it to keep it private muna. Enjoy-in muna namin bago namin i-share sa lahat.”

Inaasahang manganganak si Nicole sa unang linggo o ikalawang linggo ng buwan ng Enero sa sususnnod na taon.