Celebrity Life

Ice Seguerra, nagbahagi ng konsepto ng langit matapos mapanaginipan ang yumaong ama

By Rowena Alcaraz

Tatlong linggo matapos mabalita na pumanaw na ang ama ni Ice Seguerra's, si Decoroso Seguerra, ibinahagi ng singer na napanaginipan niya ito.


Kuwento ni Ice, "Nasa isang town kami, buong pamilya kasama ang mga kamag-anak (pati pets). Sobrang traffic so kailangan ko mag detour sa loob ng simbahan. Nagulat pa ako, meron silang malaking lion sa loob ng rectory. Mabait naman yung lion so nakalabas kami nang buhay. Tapos, papunta kami sa isang outdoor restaurant, nandun mga pamilya, naghihintay.

"Tapos nakita ko si Pogi.

"Malusog na siya ulit. Kasama niya ibang mga kapatid niya, tapos kumakanta at nagkukwentuhan. Namumulutan pa nung isdang niluto ni mama ko. May toyo't kalamansi pa akong nakita. Siyempre nakikain na rin ako.

"Tinignan ko ulit si erpat, he looked so comfortable and happy. Kumandong pa ako. Ang saya nang kuwentuhan, lahat nagtatawanan. Pansin ko lang, ang daming dogs. Kaya ang saya lalo. But at the center of it all, si Pogi. I can never forget his smile, simple pero iba. He looked very happy.

"Then, I woke up...smiling."

Sa huli, nagpahayag si Ice ng kanyang paniniwala tungkol sa konsepto ng langit.

"I don't know what heaven looks like. But maybe heaven isn't about clouds and angels. It's about being with people we love, eating our favorite food, doing our favorite thing with our favorite people, surrounded by our pets, and finally being at peace. That's my kind of heaven and I know my dad is there."