Celebrity Life

Zeinab Harake at Skusta Clee, nagdiwang ng baby shower sa beach; gender reveal party sa yate

By Cherry Sun

Nagdaos ng baby shower at gender reveal party sa Subic ang first-time expecting parents na sina Zeinab Harake at Skusta Clee o Daryl Ruiz.

Source: extraordinaryl IG

Noong December 2020, ginulat nina Zeinab at Skusta Clee ang netizens nang kanilang ianunsyo ang kanilang pagbubuntis.

July 2020 raw nang magkabalikan ang internet star at member ng hip-hop group na Ex Battalion, habang October nang makumpirma nilang nagdadalang-tao na si Zeinab.

Naging kontrobersyal man ang kanilang pagsasama, minabuti ng magkasintahang tuluyan nang magkaayos at maging magulang sa kanilang magiging anak.

Nitong January 2021, sa pamamagitan ng kanilang vlog, ipinasilip nila ang baby shower at gender reveal party ng kanilang magiging anak.

Tinipon nina Zeinab at Skusta ang kanilang malalapit na mga kaibigan, na kinabibilangan nina Jelai Andres, Jon Gutierrez o King Badger, Donnalyn Bartolome, Loisa Andalio, Awra Briguela, at iba pang vloggers.

Sinigurado muna nilang negatibo sa COVID-19 ang kanilang mga bisita bago gawin ang kanilang baby shower sa beach.

Panoorin ang kanilang baby shower dito:

Samantala, para sa gender reveal ng kanilang anak ay lumipat sila sa yate.

Parehong excited ang first-time parents. Babae raw ang gusto ni Zeinab habang lalaki naman ang nais ni Skusta Clee.

Idinaan sa fireworks display ang gender reveal ng kanilang baby at nalaman nilang babae ang kanilang anak nang pink fireworks ang huling lumabas.

Panoorin ang kanilang gender reveal party rito:

Ibinahagi rin ni Skusta Clee ang isang litratong kuha mula sa kanilang selebrasyon.

Aniya, “Kung alam niyo lang 'yung saya ko nung gabi na 'to.”

Congratulations, Zeinab at Skusta Clee!

Samantala, silipin ang ilan pang celebrities na nagkaroon ng second chance sa pag-ibig sa gallery sa ibaba: