Celebrity Life

Candy Pangilinan, binalikan ang mga pagsubok na hinarap bilang isang single mom

By Maine Aquino

Puno man ng pagsubok ay buong tapang na hinarap ni Candy Pangilinan ang kaniyang responsibilidad bilang isang single mom sa kaniyang nagiisang anak na si Quentin.

Si Quentin ay may special needs at diagnosed na may autism.

Sa interview ni Candy sa vlog ni Toni Gonzaga ay ibinahagi niya ang kaniyang hinarap na marital problems na humantong sa hiwalayan. Kaniya ring binalikan kung paano niya itinaguyod ang nag-iisang anak na may special needs.

Kuwento ni Candy, ipinagbubuntis pa lang niya si Quentin ay sinabihan na siyang hihiwalayan na siya ng kaniyang ex-husband. Tuluyan niyang iniwan si Candy isang buwan pagkatapos na ipanganak si Quentin.

Ilang buwan pa lamang ang anak ni Candy nang mapansin na may problema sa mata si Quentin.

"It was my mom, sabi niya pa-check up mo 'yung mata kasi minsan duling, minsan banlag. So I brought him to an eye doctor na child eye doctor. Chineck up siya tapos sabi niya go to a developmental doctor."

Pagdating sa developmental doctor napansin niya ang kondisyon ng kaniyang anak base sa checklist na ibinigay sa kaniya

"May checklist doon tapos parang lahat ng checklist yes ako, tapos meron numbers one to five. Parang lahat five. Nag-crawl ba, no. Hindi siya nag-crawl e. Kailangan pala 'yung sa developmental stages."

Payo ng doktor, kailangan nilang pumunta sa ilang therapists.

"Punta na tayo sa OT, occupational therapist. Mag-speech tayo, mag-PT tayo. Sabi ko ano pong nangyayari?

Sagot daw ng doktor kay Candy, "I will not give your son a diagnosis at this point because it's very early but I want you to go to a therapist. Your son is, noong time na 'yun, different.

Payo pa ng doktor kay Candy ay dapat simulan ang therapies agad para kay Quentin.

"Sabi ng doktor sa akin no time to delay kasi every day counts for your child."

Nang mag-sink in na kay Candy ang kondisyon ni Quentin doon niya na na-realize ang mga haharapin na therapy ng kaniyang anak.

"Ay hindi pala 'to nakukuha 'to sa mga therapy lang. Ay panghabangbuhay yata ito. Hindi ito nakukuha sa gamot, hindi ito parang ipa-paracetamol mo tapos gagaling."

Napansin rin ni Candy ang kaibahan ng kanyang anak sa ibang mga bata sa ginawa niyang pago-observe sa mga ito.

"Nakikita ko ibang bata, oh my gosh iba nga 'yung anak ko. Ay oo dapat nagsasalita na, hindi pa nagsasalita anak ko. Dapat lumalakad na."

Dahil mag isa na lang si Candy na itinataguyod ang anak, inamin niyang dinaan niya ang lahat sa dasal.

"Idadasal mo na lang talaga kasi wala e. You just pray a lot."

"Ang totoong sinabi ko kay Lord is help. Tapos 'yung pangalawang sabi ko kay Lord, be a father. Sabi ko kasi wala na rin akong daddy. Sabi ko Lord father god, be a father to me and a father to Quentin."

Para kay Candy, lahat ng nangyari sa kaniyang buhay ay tinatawag niyang blessings.

"'Yung paghihiwalay is a blessing, everything was a blessing. Paghiwalay sa akin parang hinanda rin ako ni Lord. Binago niya 'yung pagkatao ko, binago niya 'yung mindset ko, perception ko about things para handa ako kay Quentin."

Dugtong pa ng aktres, "'Pag napapagod ka pala tapos inoffer mo na lahat kay Lord, everything unfolds and becomes a miracle. Gumagaan. Noong dumating si Quentin, ito 'yung nilagay sa harap mo; a may rason si Lord dito. Alam ko e. Alam ko may rason 'to."

Tanggap man ni Candy ang sitwasyon nilang mag-ina, aminado pa siyang may mga sandaling nasasaktan siya para sa kaniyang anak.

Photo source: YouTube: Celestine Gonzaga-Soriano

Saad ni Candy, "Rejection, discrimination, ang dami. 'Yun ang masakit for a mother."

"Kasi sa kaniya wala lang e. 'Yung a-attend ka ng party walang [nakikipaglaro] sa anak mo. Si Quentin umabot sa 'pag a-attend ng party nagdadala ng sariling laruan. Siguro alam niyang walang [makikipaglaro] sa kaniya."

Ibinahagi naman ni Candy ang naging payo ng kaniyang spiritual adviser para mabuhay silang masaya na mag-ina.

"Do not compete, do not conform, do not compare, so your life will be satisfied and content."

RELATED CONTENT:

Candy Pangilinan vlogs her son, Quentin, cooking food for her birthday