Celebrity Life

Alice Dixson on being a first-time mom at age 51: 'I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier'

By Dianara Alegre

Nitong May 8, nag-guest si Legal Wives star Alice Dixson sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga kasabay ng selebrasyon sa Mother's Day.

Si Alice, kasama ang iba pang celebrity guests, ay mga kapwa first-time moms na unang magdidiwang ng nabanggit na special day para sa magigiting na nanay.

Sa unang pagkakataon ay dito niya rin ibinahagi ang pangalan at gender ng kanyang baby.

“Babae po ang anak ko. Her name is Aura,” aniya.

Source: alicedixson (Instagram)

Ayon sa aktres, dahil 51 taong gulang na siya bago nagkaroon ng anak via surrogacy sana noon pa lamang ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na gawin ito.

“It's an amazing experience. I wish that I knew about it earlier... and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.

“Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I'm gonna be turning 52 this coming July,” she shared.

Source: alicedixson (Instagram)

Samantala, sa abroad nanganak ang surrogate ni Alice kaya ilang buwan din siyang namalagi roon, at nitong May 1 nga ay bumalik sa Pilipinas ang aktres.

“When I was abroad, dahil nga sa lockdown at tsaka 'yung travel restrictions, hindi ko nakasama ang pamilya ko nung nanganak ang surrogate ko. So, dahil hindi pa sila vaccinated hindi pa sila maka-travel. Paglabas ng baby sa hospital ako na ang lahat.

“Ako 'yung nag-asikaso ng passport niya, ako 'yung nag-asikaso ng visa niya, ako 'yung nag-asikaso ng pagpapakain sa kanya. Kumbaga I didn't have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap. Hanggang ngayon puyat ako but I'm not complaining. I'm really enjoying every moment,” aniya.

Dagdag pa ni Alice, “Hindi naman ako nag-panic na ako lang mag-asikaso mag-isa ng baby ko. In fact, I embraced 'yung experience dahil para makilala ko nang mabuti ang aking anak at para magkaroon din kami ng bonding time.

“Pero ninenerbyos ako, dahil nga pandemic, i-travel ang aking anak. So, it was very scary na ilipad siya sa eroplano. It was was scary to go to the city to get her passport, requirements, and all those things.”

Source: alicedixson (Instagram)

Natanong din si Alice tungkol sa naramdaman niya nang makita si baby Aura sa unang pagkakataon.

“It was a feeling of halo-halong emotions of being a sigh of relief, nerbyos na am I gonna be a good mom, happiness, merong ding kaunting fears kasi siyempre there's a lot of negative things going on in the world right now. So I guess because I'm a very optimistic. Nalampasan ko ang mga trial na 'yon because of positive thinking,” sabi pa niya.

Noong April 2 ay masayang inanunsiyo ni Alice ang pagdating ng kanyang baby.

Nakabalik sa Pilipinas si Alice kasama si baby Aura nitong May 1.

Alinsunod sa safety protocols laban sa pagkalat ng COVID-19, sumailalim sila quarantine.

Silipin ang kanilang quarantined life sa gallery na ito: