Celebrity Life

Zia Dantes, kinagiliwan sa pagkanta ng isang Disney song

By Aimee Anoc

Masayang nag-perform si Maria Letizia "Zia" Dantes nang pakantahin siya ng kanyang inang si Primetime Queen Marian Rivera ng "How Far I'll Go" mula sa Disney movie na Moana.

Sa ibinahaging three-minute video ni Marian sa Facebook, makikitang tuwang-tuwa sa pagkanta si Zia. Todo suporta rin ang aktres sa kanyang anak na nanonood lamang sa likuran.

"Ate Zia's mini concert. Ang cute n'ya 'di ba?" caption pa ni Marian.

Pagkatapos kumanta, pinalakpakan at humirit pa ng isang kanta ang kanyang pamilya na agad namang pinagbigyan ni Zia at sinabing nais niyang kantahin ang "Baby Shark" ng Pinkfong.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 870,000 views at 13,000 likes ang video na ito ni Zia.

Hindi naman napigilan ng netizens na mag-comment sa cute na cute na pagkanta ni Zia at ipinarating ang kanilang paghanga.

"Galing kumanta puwede artista," sabi ni Jun Abalos.

"Ahahaha. Parang bahay kubo ni Sixto cute!" ani pa ni Elaine Balcueva.

"Cute talented smart baby Zia," paghanga ni Calma Corazon.

Samantala, ibinahagi rin ni Marian ang larawan ni Zia na nakatirintas ang buhok at nakasuot ng floral dress. Ang larawan na ito ay mayroon na ngayong mahigit 174,000 likes at 1,200 comments.

Balikan ang ginanap na celebration ng Dantes family para sa fifth birthday ni Zia noong November 2020 sa gallery na ito: