Celebrity Life

Marian Rivera posts sweet photo of daughter Zia with her dad Dingdong Dantes

By Aimee Anoc

Sweet na sweet ang larawang ibinahagi sa Facebook ni Primetime Queen Marian Rivera kung saan makikitang binibigyan ng halik sa pisngi ni Zia si Primetime King Dingdong Dantes.

Sa larawan, makikitang nakangiti si Dindong habang kumukuha ng litrato kasama si Maria Letizia 'Zia' Dantes. Gayundin, binigyan ni Zia ng isang matamis na halik sa pisngi ang ama habang nasa pool.

"Good morning!" caption ni Marian, na may kasamang sweet face emojis.

Marami naman ang natuwa sa larawang ito nina Dingdong at Zia na ngayon ay mayroon nang mahigit 47,000 likes at 590 comments.

"Super cute daughter and daddy pic," pagbabahagi ni Leslie Anne Martinez.

"Very sweet... daddy's girl," dagdag pa ni Noemi Lazelle.

"Good morning Papa Dong and cutie pie baby Z. Sarap naman mag-swimming po!" sabi naman ni Agnes Calaunan.

"Unang paghagip ko sa photo akala ko si Ms. Marian pero nu'ng tinitigan ko si Ate Zia pala. Minana talaga ni Ate Zia ang ganda ng mama n'ya. God bless po Dantes family," sulat ni Joana Diez.

Ipinahatid din ng kanilang mga tagahanga ang patuloy na pagsuporta sa Endless Love ang show na pinagbidahan ng dalawa na puwede pa ring mapanood sa GMANetwork.com.

"You killing me with Endless Love guys... my eyes are swollen from crying! You both DingAn was awesome! Repeating the show must be nice after," pagsuporta ni Maryanne Riveramar.

"Lahat ng episode ng Endless Love pinanood ko kagabe. Maga mata ko kakaiyak. Nakakaawa si Andrew!" dagdag pa ni Angel Ducay.

Samantala, patuloy na mapapanood ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.

Balikan sa gallery na ito ang masayang pamilya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes: