GMA Logo Nico Bolzico, Baby Tili and Solenn Heussaff
Celebrity Life

Nico Bolzico, proud dad kay Tili na matapang na nag-dive sa pool kasama si Solenn Heussaff

By Aimee Anoc
Published September 6, 2021 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Nico Bolzico, Baby Tili and Solenn Heussaff


Proud dad si Nico Bolzico sa kanyang 'little daredevll' na si Baby Tili nang matapang na nag-dive sa pool kasama ang kanyang mommy Solenn.

Proud na proud si Nico Bolzico sa kanyang anak na si Thylane Katana 'Tili' Bolzico nang buong tapang na mag-dive sa pool kasama ang kanyang inang si Solenn Heussaff.

Binansagan pa ni Nico si Baby Tili na 'little daredevil' dahil sa katapangan nito, na game na game sa anumang fun activities.

A post shared by Thylane Katana H. Bolzico (@_tilibolz)

Sa ibinahaging Instagram story, walang takot na nakipagsabayan si Baby Tili sa kanyang ina sa pag-dive sa pool kung saan sinubukan pa nitong umahon nang mag-isa sa tubig.

Pagkatapos ng unang dive, humirit pa si Tili ng panibagong round na masayang-masaya sa bonding nilang pamilya.

Maraming netizens naman ang humanga sa katapangan na ito ni Baby Tili.

"She got off the swimming pool all by herself. I cannot handle this cuteness Tili!" sulat ni @eatmnl.

"You never cease to amaze me Tili. Now jumping off the pool and swimming back by yourself is wow to the highest order. Muy bien," pagbati naman ni @ilovedebsum4ever.

"Very brave. My daily dose of Tili, super cute. Solenn is my super girl crush, as in full package. Then I became a fan of a super cool couple. Nico's humor is 100 percent then became a super fan of this very cute Tili," pagbabahagi ni @eignamagno.

"Wow! She knows how to swim!" paghanga ni @marygracetecson.

Mahigit isang taon na ngayon si Baby Tili na ipinanganak noong January 1, 2020.

Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang cutest photos ni Baby Tili: