Celebrity Life

Kylie Padilla shares beautiful sunset moment with son Axl Romeo

By Aimee Anoc

Ibinahagi ni Kylie Padilla ang isa sa hindi malilimutang sandali kasama ang bunsong anak na si Axl Romeo habang sabay na pinapanood ang paglubog ng araw.

Sa Instagram post, makikitang kapwa nakaupo sina Kylie at Axl habang pinagmamasdan ang takipsilim.

"Dreaming," caption ni Kylie sa mga larawan.

Maraming netizens ang naantig sa post na ito ni Kylie.

"What a lovely moment," sabi ni @jube_artieda.

"I'm sure you really missed that moments," dagdag pa ni @itsmekath.18.

"What a precious moment," pagbabahagi ni @confred8823.

"Little Prince and Momma," sabi naman ni @_anlie2021.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 25,790 likes at 98 comments ang post na ito ni Kylie.

Kasalukuyang na kay Kylie ang dalawa nitong anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo matapos na kumpirmahin noong July 8 na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica.

Samantala, tingnan sa gallery sa ibaba ang cutest photos ng bunsong anak ni Kylie Padilla na si Axl Romeo: