Showbiz News

Kylie Padilla and Aljur Abrenica work on 'a healthy co-parenting relationship' after breakup

By Serina Joyce Duque

Naglabas na ng pahayag si Kapuso actress Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica ngayong gabi, July 8.

Ito ay matapos kumpirmahin ng ama niyang si Robin Padilla sa talent manager at celebrity vlogger na si Ogie Diaz na naghiwalay ang mag-asawa dahil sa third party.

Sa statement na ibinigay ng aktres sa GMANetwork.com, binigyang-diin niya na sa ganitong pagkakataon, hindi lamang sila ni Aljur ang naaapektuhan, kundi pati na rin ang kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kaya humihiling ng respeto si Kylie mula sa mga taong nakasubaybay sa kanilang relasyon at pamilya.

Dagdag pa niya, gumagawa na rin sila ng paraan upang maayos pa ring maitaguyod ang dalawang anak kahit pa hiwalay na silang mag-asawa.

Ito ang buong pahayag ni Kylie:

"Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

"We forget the kids and the people that are involved in the family.

"In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

"All we need right now is respect--first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family--to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

"Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys' sake.

"We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

"Thank you for your love and support."

Matatandaang nag-umpisa ang usap-usapan tungkol sa hiwalayang Kylie at Aljur noong February 2021 nang mag-upload ang aktres ng cryptic messages tulad ng "I'm submissive, not stupid," at "More self love, baby girl" sa Instagram Story.

Nag-post din siya ng larawan ng kanyang mga kamay na hindi suot ang wedding ring, kalakip ng caption na "Free."

Ilang araw lang pagkatapos ng cryptic posts ni Kylie, nag-upload naman siya ng mga larawan ni Aljur kasama ang dalawang anak.

Nitong Marso, nag-celebrate pa ng kanyang 31st birthday si Aljur kasama sina Kylie.

Sa kwento ng ama ni Kylie na si Robin sa vlog ni Ogie, magkakasamang nag-celebrate ng Father's Day ang pamilya, indikasyon umano na maayos na naghiwalay ang mag-asawa.

Taong 2018 ikinasal sina Kylie at Aljur matapos ang ilang taon din nilang on-and-off relationship.

Balikan ang timeline ng kanilang relasyon sa gallery na ito: