
Game na game na nakipagsabayan kay LJ Reyes ang anak na si Summer Ayana habang nagwo-workout.
Sa Instagram story, ibinahagi ni LJ kung paanong sinasabayan at ginagabayan siya ni Summer sa kanyang online home exercises.
Maging ang fitness coach ng aktres na si Dwan Abantao ay tuwang-tuwa na makitang inaalalayan ni Summer ang ina.
Sa background, maririnig na sinasabi ng coach, "'Yan ang aking assistant (Summer) oh, additional intensity, go!"
Kasalukuyang nasa New York City si LJ kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio, 11, at Summer, 2, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang masayang sandali ni LJ Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana: