GMA Logo LJ Reyes, Summer Ayana and Ethan Akio
Photo by: LJ Reyes (IG)
Celebrity Life

LJ Reyes, sa mabilis na paglaki nina Summer at Aki: 'Parang lumiliit ako or lumalaki lang sila'

By Aimee Anoc
Published November 12, 2021 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes, Summer Ayana and Ethan Akio


Ibinahagi ni LJ ang kasiyahan na makita ang mabilis na paglaki ng mga anak na sina Summer at Aki.

Isa na namang masayang sandali ang ibinahagi ni LJ Reyes mula sa New York kasama ang mga anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana.

Sa Instagram, kitang-kita ang saya ni LJ kasama ang dalawang anak sa pamamasyal. Ani pa ng aktres sa mabilis na paglaki nina Summer at Aki, "Parang lumiliit ako! Or lumalaki lang sila? 'Di ko sure!"

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Maraming netizens ang natuwa sa post na ito ni LJ at ibinahagi ang kanilang suporta. Hindi rin nakapagpigil na magbigay ng komento sina Mars Pa More host Camille Prats at Kapuso actress Diva Montelaba.

"Feeling ko... lumiliit ka. Beautiful family mars," pagsuporta ni Camille na may kasamang heart emojis.

"Du'n tayo sa pangalawa. Hahahaha miss you!" dagdag naman ni Diva.

"So pretty LJ, cute Summer, and so pogi rin ni Aki kahit naka-mask," sulat ni @rosalnefalar.

"Beautiful fam!!! Miss you!" pagbabahagi ni @zarahlasac.

"Hmmm noon ka pa small! Hahahaha joke lang! Love you guys!" biro ni @alysssssatee.

"So much love in this photo," sabi ni @amariellarica.

Kasalukuyang nasa New York City si LJ kasama ang dalawang anak, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.

Samantala, tingnan ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama ang mga anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana sa gallery na ito: