Celebrity Life

Kristoffer Martin at ina ng kanyang anak, nagkabalikan na?

By Jansen Ramos

Ipinagdiwang ni Kristoffer Martin ang kanyang 27th birthday sa Bohol kasama ang kanyang ex-girlfriend na si AC Banzon at anak nilang si Precious Christine, na tinatawag niyang "Pre."

Sa Instagram post niya kahapon, ibinahagi ni Kristoffer ang kanilang family photo habang nasa pool na nagpapahiwatig na nagkabalikan na ang aktor at ang dating kinakasama. Matatandaang nagpalitan ng masasakit na salita ang dalawa sa social media noong Pebrero.

Sa caption, tinawag pa ni Kristoffer na "my life and my anchor" ang anak at si AC.

Saad ni Kristoffer, "27, with my life and my anchor. It's been rough, but we're still here. These two has been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love. Lord, iba ka kumilos. Salamat Lord sa mga pinaintindi mo sa 'kin. Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you Lord.


"First family trip nitong pandemic. Deserve natin tong tatlo."

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kasamahan ni Kristoffer, na may palayaw na "Tun," sa showbiz para sa kanyang kaarawan.

Marami rin ang nagpaabot ng pagbati kay Kristoffer para sa umano'y reconciliation nila ng ina ng kanyang anak.

Opisyal na naging magkasintahan sina Kristoffer at AC noong 2013. Inamin ng aktor na mayroon silang anak sa isang exclusive interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong January 21, 2021

Tingnan ang ilang sweet photos nina Kristoffer at AC dito: