Celebrity Life

WATCH: Baby Malia has hilarious reaction about her Mommy Pokwang eating 'balut'

By Jimboy Napoles

Habang bata pa, tinuturuan na ng Kapuso actress na si Pokwang ang kaniyang anak na si Baby Malia kung paano kumain ng balut pero si Malia, imbis na matakam, tila naawa pa sa itlog na exotic street food.

Sa Instagram, ipinost ni Pokwang ang nakatutuwang video kung saan makikitang nag-eenjoy pa si Baby Malia sa paglalaro ng mga balut na nasa mangkok. Pagkatapos ay inalok na ni Pokwang na kumain ng balut si Baby Malia, pero paulit-ulit namang umaayaw ang bata. "Eew" ang unang reaksyon ni Malia pero nang makita na ang loob ng balut ito na ang kaniyang sinabi "aww cute ducks," natawa naman si Pokwang sa reaksyon ng anak.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Ayon pa sa caption ng post ng komedyante, kaya raw kumain ni Malia ng mga gulay pero “big no” raw talaga para sa anak ang pagkain ng balut.

"Kakain sya ng saluyot, okra, ampalaya, malunggay pero wag lang talaga balut hahahhahaa," sulat ni Pokwang.

Dagdag ni Pokwang, "naku anak @malia_obrian pasasaan bat magugustuhan mo din yan."

Sa comments section ng kaniyang Instagram post, napa-comment din ang kaniyang Pepito Manaloto co-star na si Manilyn Reynes pati ang ilan sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz na sina Tina Paner at Vina Morales.

Source: itspokwang27 (Instagram)

Kamakailan ay maraming netizens din ang natuwa sa reaksyon ni Malia nang makita ang bahay ni Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros na naging tila isang malaking regalo ngayon na pinalilibutan ng maraming Christmas lights.

Samantala, silipin pa sa gallery na ito ang mga larawan ng mother-daughter moments nina Pokwang at Malia: