Celebrity Life

Ruby Rodriguez has heartwarming birthday message for son AJ

By Jimboy Napoles

Isang malaking desisyon para sa TV host-actress na si Ruby Rodriguez ang lisanin ang Pilipinas at lumipad patungong Amerika upang makasama ang kaniyang anak na si AJ na mayroong medical condition.

Sa kaarawan ni AJ ngayong araw, December 2, ipinost ni Ruby sa kaniyang Instagram account ang ilang mga throwback baby photos ng anak.

"My dearest Aj, you will forever be my baby in my eyes. I love you with all my heart, atay and balunbalunan," sulat ni Ruby.

"You have been our source of love, strength and perseverance. Be happy always. We always pray for your health. Your happiness is our priority. We love you so much my baby Big boy!!! Happy Birthday!" dagdag pa niya.

Nagbigay din ng pagbati ang ilan sa mga dating kasamahan ni Ruby sa Eat Bulaga tulad ni Henyo Master Joey de Leon, Allan K, Ryan Agoncillo, at Ryzza Mae Dizon.

Sa ngayon masaya ang aktres na si Ruby sa kaniyang napiling buhay sa Amerika kasama ang anak. Kamakailan ay nagkaroon din ng pagkakataon si Ruby na muling makita ang kaniyang nakatrabaho at kaibigan sa showbiz tulad nina Ice Seguerra at former EB Dabarkads.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang buhay sa Amerika ni Ruby Rodriguez kasama ng kaniyang pamilya.