Celebrity Life

Kylie Padilla says she made the 'Best Valentine's Day' happen despite being away from her kids

By Aimee Anoc

Kahit na malayo ngayon sa kanyang mga anak, siniguro pa rin ni Kylie Padilla na magkaroon ng isang memorable na Valentine's Day kina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Sa Instagram, ipinakita ni Kylie ang mga larawan nina Alas at Axl na may sweet messages para sa kanya: "We love you, Mama," at "Rawr."

"Still made the best Valentine's Day happen kahit magkalayo kami ngayon. Thank you!" pagbabahagi ng aktres.

Ibinahagi rin ni Kylie ang bonding nila ni Alas habang tuwang-tuwa ang huli sa hawak nitong gumamela.

"Happy Valentine's Day everyone," sulat ng aktres.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon si Kylie para sa upcoming primetime series niya sa GMA, ang Bolera.

Bibigyang buhay ng aktres ang karakter ni Joni, isang billiard prodigy na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilya sa kahirapan at linisin ang pangalan ng ama.

Makakama rin ni Kylie sa sports drama na ito sina Ricardo Cepeda, Jaclyn Jose, Joey Marquez, Gardo Versoza, Rayver Cruz, at Jak Roberto.

Samantala, tingnan ang femme looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito: