Celebrity Life

Mark Herras at Nicole Donesa, nagpapagawa na ng sariling bahay

By Marah Ruiz

Ipinapagawa na ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang dream home.

Binansagan nilang Casa Corky, mula sa palayaw ng kanilang anak na si Mark Fernando Donesa Herras, ang ipinapagawa nilang bahay.

Ibinahagi nina Mark at Nicole ang isang video sa kanikanilang Instagram account kung saan makikitang tinitibag nila ang isang dingding.

Ayon sa dalawa, iniaalay nila sa kanilang anak ang bahay na ipinapagawa.

"Hard Work & Dedication. Officially the start of #CasaCorky We have a long journey up ahead, but at least we are finally one step closer to our dream Thank you God, for the guidance and blessings. This is all for our Corkyboy ," sulat nila sa Instagram.

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)


Nagkakilala sina Mark at Nicole sa set ng GMA Afternoon Prime series na Bihag noong 2019.

Na-engage sila noong 2020 at biniyayayan ng kanilang first baby na si Corky noong January 31, 2021.

Ikinasal naman sina Mark at Nicole sa isang civil ceremony noong September 8, 2021.

Silipin ang timeline ng love story nina Mark at Nicole sa gallery na ito: