Celebrity Life

Angelica Panganiban proudly shows baby bump in a beach photo

By Jimboy Napoles

Proud na ipinakita ng aktres at soon-to-be mom na si Angelica Panganiban ang baby bump niya sa kanyang mga tagahanga.

Sa Instagram, ipinost ni Angelica ang mga larawan niya sa isang beach habang ibinibida ang kanyang lumalaking tiyan suot ang isang blue bikini top at mahabang malong bilang pang-ibaba.

"Baby Moon," caption ng aktres sa kanyang post.

Sa isang larawan makikita na kasama ni Angelica sa nasabing beach ang kanyang boyfriend at businessman na si Gregg Homan.

Nagpakita naman ng excitement sa kanyang motherhood journey ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz sa pamamagitan ng pagkomento sa kanyang post.

"Glowing and blooming," saad ni TV host na si Bianca Gonzalez.

"Napakagandang buntis," komento naman ng direktor na si Antoinette Jadaone.

March 20 nang inanunsyo ni Angelica ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan din ng Instagram post.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilan pang celebrity moms na proud na ibinida ang kanilang baby bump sa social media.