GMA Logo Rodjun Cruz and Baby Joaquin
Source: rodjuncruz (Instagram)
Celebrity Life

WATCH: Rodjun Cruz, surprised as Baby Joaquin unintentionally punches him

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2022 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Baby Joaquin


Napanood mo na ba ang nakakatuwang video ng mag-ama na sina Rodjun Cruz at Baby Joaquin?

May nakatutuwang TikTok video ngayon ang aktor na si Rodjun Cruz kasama ang kanyang anak na si Baby Joaquin kung saan caught on camera ang ang isa sa mga unforgettable moments nya as a first time dad.

Sa Instagram, ipinost din ni Rodjun ang good vibes na video. Mapapanood dito na karga-karga ni Rodjun si Baby Joaquin hanggang sa bigla na lamang itong nanuntok. Huli sa video ang bilis ng pag-ilag ng aktor at ang gulat na reaksyon nito.

A post shared by Rj Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

"Super Joaquin haha! Buti nakaiwas ako! Ang lakas! @babyjoaquinilustre #StrongBaby #SuperPunch," caption ni Rodjun sa kanyang post.

Umani rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga kaibigan ni Rodjun sa showbiz, kabilang na sina Asia's limitless star Julie Anne San Jose, Chef Jose Sarasola, Oyo Sotto, at kanyang leading lady na si Jo Berry sa katatapos lang na serye na Little Princess.

Highlight ng comment section ang kwelang biro ni Oyo, "Bro natawa ako yung tingin at reaksyon mo, kung hindi mo anak papatulan mo na eh," saad ng aktor.

September 10, 2020, nang isinilang ng asawa ni Rodjun na si Dianne Medina si Baby Joaquin na may totoong pangalan na Rodolfo Joaquin Diego III.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya nina Rodjun, Dianne, at Baby Joaquin sa gallery na ito.