Celebrity Life

Vloggers Vien Iligan, Junnie Boy announce pregnancy with their second child

By Jimboy Napoles

Higit isang buwan matapos ang kanilang kasal, inanunsyo ngayon ng mag-asawa at kapwa YouTube vloggers na sina Vien Iligan at Marlon Velasquez o mas kilala sa social media bilang si Junnie Boy na sila ay biniyayaan muli ng anak.

Sa latest vlog ni Vien na pinamagatang "Big 4," ibinahagi ni Vien kung paano niya nalaman na siya ay muling nagdadalang tao.

Matapos sumubok ng halos sampung pregnancy test, pagpapa-check sa doktor, at pagpapa-ultrasound nakumpirma na anim na linggo nang buntis si Vien.

Masaya naman sina Vien at Junnie dahil matagal na rin nilang hinintay na masusundan na ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Mavi.

Kuwento ni Vien, "Sa totoo lang talaga kahapon lang ako naging masaya ng sobra dahil finally totoo na talaga may heartbeat na siya.”

"Sa weeks na hinintay ko halong takot at kaba kasi sinabihan ako na masyado pang maaga para masabi na buntis ako. Salamat sa Diyos talaga dahil nagbunga 'yung pag-hihintay namin sa kanya," dagdag pa niya.

Panoorin ang kanilang masayang vlog DITO:

Ikinasal sina Vien at Junnie sa isang wedding ceremony nito lamang March 28, 2022.

Present sa kanilang kasal ang kapatid ni Junnie Boy na si Lincoln Velasquez o Cong TV at ang girlfriend nitong si Viy Cortez na kapwa nila sikat na vloggers at ngayon ay expectant parents na rin.

Samantala, kung may nauuwi sa magandang pagsasama, may ilang YouTube celebrity couples naman ang sinubok ang tatag ng relasyon. Alamin kung sinu-sino sila sa gallery na ito: