Celebrity Life

Anak ni Rufa Mae Quinto na si Athena, gustong palitan ang kanyang pangalan?

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Rufa Mae Quinto ang nakakatawang kuwento tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng anak niyang si Athena.

Si Athena o Alexandria Athena ay ang five years old na anak ng Kapuso star at ng asawang nitong si Trevor Magallanes. Nakilala ang anak nina Rufa Mae sa tawag na Athena.

Ikinuwento ito ng sexy comedian kay Nelson Canlas sa podcast na Updated With Nelson Canlas.

PHOTO SOURCE: YouTube: GMA News

Pagbabahagi ni Rufa Mae kay Nelson, "Gusto niya Alexandria na siya."

Ayon pa kay Rufa Mae, tila best friends na sila ngayon ni Athena.

"Bonding kami, best friends kami. Nagpapa-parlor kami, shopping kami ng shoes. Girly, maarte."

Dahil lumalaki na ang anak ni Rufa Mae, alam na rin niya ang nature ng trabaho ng kanyang ina.

Tanong raw ng anak ni Rufa Mae, "Mama, why are you so famous?"

Sagot naman niya sa anak, "'Cause I am an actress, but I work hard for it."

Nilinaw ni Rufa Mae ang isa pang dahilan kung paano nalaman ni Athena na artista ang kanyang mommy.

Natatawang kuwento ni Rufa Mae, "Alam na niya mula nung baby, ipinanganak siya, may glam team. Umiiyak siya, 'yun pala gusto niya rin ng glam [team]. Akala ko umiiyak kasi aalis ako, 'yun pala kasi siya, hindi inayusan."

Panoorin ang kuwentuhan nina Rufa Mae at Nelson dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG BONDING MOMENTS NINA RUFA MAE AT ATHENA SA GALLERY NA ITO: