advertisement
Showbiz News

TINGNAN: Balik-Kapuso moments ni Rufa Mae Quinto

1 of 14

Rufa Mae Quinto

"Welcome back to me!" Ito ang saad ni Rufa Mae Quinto nang ianunsiyo niyang magbabalik na siya sa showbiz.

2 of 14

Sparkle

Sa isang interview, inihayag ni Rufa Mae na bahagi na siya ng Sparkle GMA Artist Center.

3 of 14

Balik showbiz

Ngayong April ay sunud-sunod na ang posts ni Rufa Mae kaugnay ng kanyang pagbabalik-Kapuso.

advertisement
4 of 14

Sexy comedian

Matatandaang gumanap ng iba't ibang karakter si Rufa Mae sa GMA Network bago siya pansamantalang nanirahan sa Amerika. "Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, lahat na. Naging mermaid, naging Darna, nag-Marinara, nag-Bubble Gang, soap, lahat ginawa ko. So sabi ko, balik na lang ako ulit para ulitin ko ulit. Inulit lang pala," natatawang kuwento ni Rufa Mae.

5 of 14

Family Feud

Isa sa mga unang binisita ni Rufa Mae ay ang 'Family Feud' na hosted by Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes.

6 of 14

Tadhana

Napasabak naman sa aktingan si Rufa Mae sa programang 'Tadhana' na mapapanood sa April 23 at 30.

advertisement
7 of 14

Mars Pa More

Hindi rin nagpahuli sa pakikipagkulitan si Rufa Mae sa 'Mars Pa More.'

8 of 14

Endorsement

Ayon kay Rufa Mae, nakapag-shoot na rin siya agad ng kaniyang endorsement.

9 of 14

Balik Kapuso

Dahil balik-Kapuso na ang aktres, handa na siyang ipakitang muli ang kaniyang mga talento sa mga manonood.

advertisement
10 of 14

'Tols'

Abangan ang exciting new projects ni Rufa Mae sa GMA Network.

11 of 14

Reunion

Sa kaniyang pagbabalik-GMA, nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ni Rufa Mae ang kaniyang 'Bubble Gang' co-star na si Antonio Aquitania.

12 of 14

'All-Out Sundays'

Nagbalik din sa pagpe-perform si Rufa Mae sa pamamagitan ng guest appearance niya sa weekly noontime show ng GMA ang 'All-Out Sundays (AOS).'

advertisement
13 of 14

Viral

Noong September 11, 2022, nag-viral ang kaniyang production number sa 'AOS' kung saan nakasama niyang mag-perform ang 'The Clash' graduates na sina Thea Astley at Mariane Osabel. Dito ay inawit nila ang “Where Do Broken Hearts Go,” “Wake Me Up Before You Go-Go,” at “Let It Go!” na nilagyan ng comic relief ng komedyante. Ang nasabing number ay nag-viral din sa Thailand at Malaysia.

14 of 14

MPK

Napasabak din si Rufa Mae sa drama. Ngayong September 24, 2022, bibida siya sa fresh episode ng drama anthology na 'Magpakailanman.'