Narito ang listahan ng celebrities na nakaranas na tutulan ng pamilya ang kanilang mga relasyon. Kumusta na kaya sila ngayon?
Naging mag-love team hanggang sa naging magkarelasyon sina Heart Evangelista at Jericho Rosales. Tumagal ng tatlong taon ang kanilang pag-iibigan ngunit nag-break ang dalawa noong 2008 dahil diumano'y tutol ang mga magulang ni Heart sa kanilang relasyon.
Pinag-usapan ang muling pagtatagpo nina Heart at Jericho sa isang event noong 2017. Pero ayon sa dalawa, masaya na raw sila sa kanilang mga buhay. Ikinasal si Jericho kay Kim Jones noong 2014 samantalang si Heart naman ay ikinasal kay Sen. Chiz Escudero noong 2015.
Tutol din noong una ang mga magulang ni Heart Evangelista sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero, ngunit dahil nasa tamang edad na rin si Heart at mas kaya nang ipaglaban ang pag-ibig, nanatiling matatag ang pagmamahalan nila ni Sen. Chiz na nauwi sa kasalan.
Isang malungkot na balita ang kumalat kamakailan. Hindi nabuhay ang ipinagbubuntis ni Heart na si Baby Mira.
Ang kontrobersyal na relasyon ng bffs-turned-lovers na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ay nagbunga ng kanilang unica hija na si Ellie.
Going strong man ang relasyon ni Ruffa Gutierrez sa French-Israeli boyfriend nitong si Jordan Mouyal, dumaan muna ito sa pagsubok sa kamay ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Naging prangka si Annabelle sa kaniyang mga interview na tutol siya sa relasyon nina Ruffa at Jordan, ngunit sa kasalukuyan ay mas tanggap na raw nito diumano si Jordan.
Naging boyfriend noon ng Kapuso newbie na si Jasmine Curtis Smith si Sam Concepcion na tinutulan diumano ng nakatatandang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis.
Nauwi sa hiwalayan ang relasyong Jasmine at Sam at kasalukuyan namang boyfriend ni Jasmine si Jeff Ortega.
Naging kontrobersyal man ang love life ni Kris Aquino, ang pinakamahalaga raw sa Queen of All Media ay ang “approval” ng kaniyang dalawang anak, sina Joshua Aquino Salvador at James “Bimby” Aquino Yap Jr.
Ayon sa kaniyang 'Heart to Heart with Kris' episode sa kaniyang Facebook, magbo-boyfriend lang daw si Kris kapag ito ay “Bimby-approved” o pabor sa kaniyang mga anak.