
Happy mommy ang aktres na si Carmina Villarroel nang bisitahin siya ng kanyang anak na si Mavy Legaspi habang nasa taping ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap.
Sa Instagram, ibinahagi ni Carmina ang sweet photos nila ni Mavy sa naging pagbisita nito.
"I'm a happy mommy! My favorite son visited me. Thank you @mavylegaspi I love you forever," caption ng celebrity mom sa kanyang post.
Matatandaang naiyak din si Carmina sa mensahe sa kanya ni Mavy sa kanyang birthday celebration noong August 20 sa programang Sarap, 'Di Ba?
"Happy birthday to my love at first sight, my first love," ani Mavy.
Dagdag pa niya, "Kahit 21 years old na ako, ikaw pa rin ang number one sa puso ko, always. Ikaw ang number one girl sa buhay ko at ikaw ang priority ko forever."
Hindi naman ito ang unang beses na nasorpresa si Carmina ng kanyang pamilya habang nasa taping dahil binisita rin siya noon ng kanyang mister na si Zoren Legaspi habang ginagawa ang suspenserye ng GMA na Widows' Web.
Samantala, umaani rin ng papuri ngayon si Carmina dahil sa kanyang nakakaantig na pagganap bilang si Lyneth, ang maawain at mapagmahal na ina ni Analyn na ginagampanan naman ni Jillian Ward.
SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA CARMINA VILLARROEL AT ZOREN LEGASPI SA GALLERY NA ITO: