
Naghanda ng espesyal na mensahe si Zoren Legaspi para sa kaarawan ng asawa niyang si Carmina Villarroel.
Ayon sa ilang posts ng Legaspi family, maaga silang nag-celebrate ng birthday ni Carmina dahil may naka-schedule siyang trabaho.
PHOTO SOURCE: mina_villarroel
Sa Instagram account ni Zoren ay makikita ang video na inihanda niya 8 years ago para sa asawa. Makikita rito ang ilang never-before-seen photos nilang pamilya at dinagdagan pa raw ito ng Apoy Sa Langit actor ng bonus photo sa huling parte ng video.
Saad ni Zoren, "made this Birthday video 8 years ago. Let's revisit with a bonus photo at the end from last night."
Dugtong pa ni Zoren ay ang sweet na mensahe at ang pangako nila nina Mavy at Cassy Legaspi sa Sarap, 'Di Ba? host.
"Happy Birthday muffin @mina_villarroel ❤️❤️❤️ @cassy @mavylegaspi and I are here to make your wishes come true with the help of LORD GOD ALMIGHTY.🙏🙏🙏 We LOVE You as much as Daddy Reggy ❤️ U"
Happy birthday, Carmina!
SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NI CARMINA: