Celebrity Life

Bea Alonzo finally brings her mom to their new apartment in Spain

By Jimboy Napoles

Proud na ipinakita ni Bea Alonzo sa kanyang inang si Mary Anne Ranollo ang kanilang bagong apartment sa Madrid, Spain na kanyang binili para sa kanilang pamilya.

Sa Instagram ngayong Miyerkules, October 26, ibinahagi ni Bea ang larawan ng kanilang touching mother-and-daughter moment nang bisitahin ang naturang apartment.

"I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy!" caption ni Bea sa kanyang post.

Ayon pa sa Start-Up Ph actress, marami na raw plano ang kanyang ina upang mas mapaganda ang kanilang bagong apartment.

Aniya, "Ang dami nya nang plano on how to fix the place."

Masaya rin ang aktres sa kaniyang new achievement na naibahagi niya sa kanyang ina.

"I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin niyo naman nanay nyo para sa akin," ani Bea.

May 2022 nang magsimulang maghanap si Bea ng bagong apartment sa Spain na ibinahagi niya pa sa isang vlog sa kanyang YouTube channel. Isang maganda at maluwag na unit ang nabili ni Bea sa Chamberí area ng Madrid.

Samantala, kasalukuyan namang mapapanood si Bea bilang si Dani sa Start-Up Ph, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG QUICK TRIP NI BEA ALONZO SA SPAIN NOONG MARSO 2022 SA GALLERY NA ITO: