TV

Bea Alonzo may short but sweet advice para sa kaniyang karakter sa 'Start-Up PH'

By EJ Chua

Napakaraming viewers at netizens ang nakaka-relate sa karakter ni Bea Alonzo sa ongoing GMA drama series na Start-Up PH.

Ayon sa ilang netizens, tulad ni Danica “Dani” Sison, ay patuloy ding nagsisikap ang mga Pinoy dahil sa paghahangad ng mas maayos na buhay para sarili at lalong lalo na para sa pamilya.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bea kamakailan lang, nagbahagi siya ng short but sweet advice para sa karakter na kaniyang ginagampanan.

Payo ng Kapuso actress kay Dani, “Just keep going, never give up!”

Bukod sa pangarap ni Dani na maging isang CEO, nais din niyang huminto na ang kaniyang lola na si Lola Joy (Gina Alajar) sa pagtitinda upang mas maingatan nito ang kaniyang kalusugan.

Noong nabubuhay pa ang ama niya na si Chito (Neil Ryan Sese), pangarap ng kaniyang ama na maging matagumpay upang mabigyan ng masaganang buhay ang kaniyang pamilya.

Ngunit sa kasamaang palad, ilang taon matapos silang iwan ni Alice (Ayen Munji-Laurel) at Ina (Yasmien Kurdi), pumanaw ang ama ni Dani.

Simula noon, mas naging matibay ang loob ni Dani sa bawat hamon ng buhay.

Ang Kapuso serye na Start-Up PH ang kauna-unahang serye ni Bea bilang isang Kapuso.

Bukod sa tinaguriang This Generation's Movie Queen, napapanood din sa programa bilang lead stars sina Asia's Multimedia Star Alden Richards, award-winning actress na si Yasmien Kurdi, at award-winning actor na si Jeric Gonzales.

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: