Celebrity Life

LOOK: Gladys Guevarra, engaged na?

By Cara Emmeline Garcia

Isang malaking singsing ang bumati sa Instagram feed ng netizens ngayong umaga nang ipakita ni Sunday PinaSaya comedienne Gladys Guevarra ang kaniyang “engagement” ring.

Gladys Guevarra

“Hala sya!!!!!!!! April Fool's ba ngayon?! This is it!,” sulat ni Gladys.

“Tinanggap ko lang muna, ayoko pa sumagot.

“Sabi niya, 'Grabe 'yung tagal ng 'di mo ko kinausap. 'Di mo sinasagot text messages ko. Pero hinintay kita hangat makadesisyon ka. Binibigyan kita ng dalawang option ngayon para sagutin ako…”

Kuwento pa ng Kapuso comedienne, kinilig raw siya nang tanungin tungkol sa singsing kaya napa-oo na lang siya sa huli.

Ang nakatanggap ng matamis na “oo” ni Gladys? Ang alahera niya.

“Kase nga itong alahera ko, grabe sya. Gusto na naman ako gumastos?” dagdag nito sa Instagram.

“Kase nga, ayoko muna bumili alahas ulit. Binigyan niya ko ng dalawang option, ayun kinuha ko pareho, ang ganda e.”

Maraming natawa at muntik maniwala sa joke ni Gladys at isa na dito si Dahil Sa Pag-ibig actress Sanya Lopez.

LOOK: Gladys Guevarra, ipinakilala na ang mga tatay ng kanyang mga 'anak'

READ: Gladys Guevarra ipinakilala ang tatlong anak na babae