Celebrity Life

WATCH: Bea Binene, nilagang saba at kamote ang kinakain para pumayat

By Bea Rodriguez

 

Ibinunyag ni Kapuso star Bea Binene kaninang umaga sa Unang Hirit ang sikreto sa kanyang fit at healthy body. Matatandaang nag-viral ang bikini photos ng dalaga noong summer sa Coron, Palawan, kasabay ng pagsimula ng higanteng telefantasya na Mulawin VS Ravena.

Kuwento ng aktres, “Noong nag-start na ang Mulawin VS Ravena, na-realize ko na kailangan ko na talagang pumayat nang mas mabilis. Noong time na iyon, my diet was nilagang saba, nilagang kamote, chicken and fish for two weeks.”

Consistent rin si Bea sa pagpupunta sa gym, “Dumating sa point na as much as possible, almost everyday nagpupunta ako dito. Noong nagka-Mulawin VS Ravena bilang puyat, ‘yung day na wala akong trabaho, itutulog ko na lang.”

Ang pag-tone ng kanyang muscles sa arms, back at core ang pinagtuunan ng pansin ng kanyang fitness coach, “Lalo na sa mga babae, ‘di ba meron tayong mga unwanted fats sa may bandang kili-kili so ginagawa [ko ito to] tone ‘yung sa may chest para pwede mag-sleeveless at pwede mag-tube.”

Hindi raw talaga nagda-diet ang 19-year-old actress, imbes nagwo-workout siya sa tulong ng kanyang coach to stay fit and fab.

Video from GMA News