TV

Mga eksena sa Sipakbul, isa sa pinakamahirap i-shoot sa 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Marami pang exciting na mangyayari na dapat abangan ang Kapuso viewers sa Mulawin VS Ravena. Ayon mismo kay Bea Binene na gumaganap sa karakter ni Anya, kailangang mapanood ng viewers ay ang isa sa pinakamahirap kuhanan sa higanteng telefantasya.

"Mayroon kaming parang football sa ere sa Avila," pagtukoy ni Bea sa palarong sipakbul.

Kuwento pa niya, hindi raw biro ang pinagdaanan ng Mulawin VS Ravena para mapaganda ang mga eksena sa sipakbul. "We did a lot of flying from dinner time hanggang madaling araw. Nagsu-shoot kami nang naka-harness para sa mga eksenang 'yon. So 'yon 'yung maganda kasi talagang effort siya ng lahat," saad niya.

Dagdag pa niya, "Nung sinu-shoot namin 'yung eksena, mayroon siya talagang storyboard. Parang gumagawa kami ng commercial, frame by frame. 'Yan ang ginawa namin."

Isa raw itong unique experience na nais ni Bea na maibahagi sa mga manonood. Aniya, "Masaya tsaka sana magustuhan nila dahil malaki 'yon, pinaghirapan siya especially ng effects team."

Abangan ang mga eksena sa sipakbul sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.