Celebrity Life

WATCH: Original Manoeuvres member Joshua Zamora, hataw sa kanyang 90s dance workout

By Marah Ruiz

Maniniwala ba kayong 47 years old na si Joshua Zamora, isa sa mga original member ng 90s dance group na Manoeuvres? 

Nag-retire siya mula sa pagsasayaw noong 2010 pero bumalik siya mula sa larangan ng dance fitness matapos ang apat na taon.

Naging insipirasyon daw kasi sa kanya ang isa pang celebrity dance at fitness enthusiast.

"Actually, si Regine Tolentino 'yung nag-ispire sa akin diyan. She invited me sa mga events niya. Before, pagka hindi ka pa certified Zumba instructior, hindi ka pwede mag lead eh. You can dance pero ang tawag doon is shadow lang, parang back up dancers ka lang," kuwento niya. 

Isa daw sa sikreto niya sa pananatiling 'looking young' ang kanyang pagsasayaw.

"Ine-encourage ko sila na be on your dancing gears. Ang sarap magsayaw kasi eh! Nage-enjoy ka na, at the same time, you sweat it out, naglalabas ka ng calories. It's also a form of exercise na," aniya.

Isang dance fitness workout naman na binubuo ng mga sikat na dance moves mula noong 90s ang ibinahagi ni Joshua sa programang Pinoy MD:

Video from GMA Public Affairs