Celebrity Life

WATCH: Ina Feleo, ipinasilip kung paano niya na-achieve ang beach-ready body

By Marah Ruiz

Masipag mag-post ng kanyang workout videos si Kapuso actress Ina Feleo sa kanyang Instagram account.

Ina Feleo

Talagang fitspiration si Ina dahil kitang-kita ang bunga ng kanyang consistent na workouts.

"Mahilig akong mag-post 'pag nasa biyahe, 'yung mga routine na ginagawa ko. Kasi 'yun, talagang no excuses ka. Kahit nasa beach ako, kahit hotel room pwede kang magsingit ng workout. 'Di kailangan ng gym," pahayag niya.

Isa raw sa mga sikreto ng kanyang beach-ready body ang paggamit ng resistance bands.

Nagpaunlak naman siya ng isang maikling demonstration kung paano niya ito isinasama sa kanyang workouts.

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Pinoy MD: