Celebrity Life

WATCH: Andrea Torres, lumambitin para sa anti-gravity yoga

By Marah Ruiz

May mild slipped disc si Kapuso actress Andrea Torres kaya matinding pag-iingat ang kailangan niya bago sumubok ng mga bagong ehersisyo.

Andrea Torres

Andrea Torres, nagkaroon ng spine injury dahil sa weight lifting

Isa sa mga workout na hindi magiging mahirap para sa kanyang likod ang anti-gravity yoga.

Sa anti-gravity yoga, ginagawa ang mga poses sa tulong ng isang sling, imbis na sa lapag. Pinaghahalo din dito ang ilang mga elemento ng dance, pilates at yoga.

"Each of those rigs can carry over a thousand pounds so definitely kaya niya kayo. It can carry the weight of a baby elephant," paliwanag ni Mappy Cruz, isang fitness instructor sa Beyond Yoga.

"Mas at ease na ko sa information na 'yan. Hindi ako malalaglag. Walang mangyayari," natatawang pahayag ni Andrea.

WATCH: Andrea Torres, ibinahagi ang mga ehersiyong maaaring gawin kahit may back injury

Nakakatulong sa spine decompression ang anti-gravity yoga dahil ginagawa ito habang naka angat sa sahig at nagse-stretch. Perfect ang ehersisyong ito para sa Bubble Gang star na may kundisyon sa kanyang likod.

Panoorin ang anti-gravity yoga session ni Andrea sa programang Pinoy MD: