Celebrity Life

Aiai delas Alas, ipinagmalaki ang fitness transformation ng asawang si Gerald Sibayan

By Cherry Sun

Proud si Aiai delas Alas sa dedikasyon ng kanyang asawang si Gerald Sibayan pagdating sa fitness. Sa katunayan, ibinahagi pa niya ang mga litrato nito upang ipakita ang body transformation ng kanyang mister.

Gerald Sibayan and Aiai delas Alas

Mula September 2019 ay dinokumento nina Aiai at Gerald ang fitness journey ng huli. At nitong March 23, pansin na malaki na ang pinagbago ng pangangatawan ng mister ng komedyante.

Sambit pa ni Aiai, “Like and subscribe niyo 'yung fitness youtube niya soon.. Thank you pero laging tandaan at isapuso taken na sya oki??”

RELATED CONTENT:

Aiai Delas Alas is proud wife of "Capt. Gerald Sibayan"

Aiai delas Alas poses with husband Gerald Sibayan in bold photo shoot

#WalaSaEdad: Celebrity couples na may malaking age gap