Celebrity Life

Kakai Bautista, dinaan sa sayaw ang hirap ng resistance band exercise

By Marah Ruiz

Tuloy ang balik-alindog program ni Dental Diva Kakai Bautista.

Aminado kasi siyang nagdagdag ng timbang ngayong quarantine. Para mabawasan ito, pinili niyang regular na sumayaw bilang exercise.


Bukod dito, sinubukan din niyang mag-ehersisyo gamit ang resistance bands.

Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kayang Instagram account, ipinakita ni Kakai kung paano niya ito ginagamit sa kanyang workout.

Nakasabit na malapit sa kanyang pinto, hinahatak hatak ito ni Kakai habang nakatayo. Pero nang mahirapan, napasayaw na lang ang komedyante.

"Yer Tita is Werking out. After ng sayaw sayaw, nagtry ako mag-werk-out gamit ang resistance band. OHHH i cannot resist!!! Cherets. Mashaket beshie maaaaaeee!!! Pero Masarap din naman kase parang nahilat talaga ang muscles at taba ko! Mga Titaaaass!! are you willing to try diz reziztance vand?!!! Tignan naten guysh kung kaya ko itong ipursue...huweew!" sulat niya sa caption ng kanyang post.

Panoorin ang pag-e-ehersisyong nauwi sa pagsasayaw ni Kakai dito:


Ang resitance bands ay isang uri ng exercise equipment na ginagamit para sa strength training o pagpapalakas ng katawan.

Kaiblang sina Kapuso stars na sina Lovi Poe at Ina Feleo sa mga mahilig gumamit nito sa kanilang workouts.