Celebrity Life

Rope flow exercise, pwedeng subukan para maging fit at healthy ngayong may pandemya

By Aimee Anoc

Para mapanatili ang healthy lifestyle, isa sa ehersisyong maaaring subukan ay ang rope flow o ehersisyo gamit ang lubid. Pwede ito sa kahit na anong edad, at sakto kahit naka-stay at home ngayong may pandemya.

Sa mga nahihirapang mag-ehersisyo gamit ang jumping rope lalo na iyong mahihina na ang tuhod at kasukasuan, pwedeng subukan ang rope flow.

Hindi tulad sa jumping rope, mas mababa ang maaaring makuhang injury sa rope flow dahil hindi kasing intense ang pagtalon at paggalaw. Kahit na ang mga lolo at lola ay maaari itong mae-enjoy basta't kayang magwasiwas ng lubid na may tamang taba, haba, at bigat.

Narito ang ilan sa patterns na maaaring subukan gamit ang rope flow.

Figure eight pattern

Isa ito sa mga pattern na maaaring subukan dahil chill at relaxing lamang ito. Sa pamamagitan ng ehersisyong ito, mapapanatiling malusog ang puso.

"So this is one of the patterns, the under hand figure eight pattern," ayon kay coach Faisal Tabusalla, president at co-founder ng Flow Movement Philippines.

Rotational movement

Ang rotational movement ay para sa whole-body exercise. Kinakailangan mo lamang hawakan ang lubid at paikot-ikutin lamang ito sa iyong harap at likod.

Sa rope flow exercise, para ka lamang din sumasayaw na magandang gawin kung nais mong ma-relax ang iyong katawan at kaisipan.

Para matuto pa ng ehersisyong ito, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Rope Flow Philippines.

Alamin ang iba pang benepisyo ng rope flow exercise sa 24 Oras:

Para sa iba pang lifestyle content, pumunta lamang sa GMA's Lifestyle page.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang ilang female celebrities na fitspiration ngayong may pandemya: