Celebrity Life

Yasmien Kurdi ayaw mag-showbiz ang anak


Malayo ang narating ni Yasmien Kurdi ever since sumali siya sa artista search show na Starstruck 10 years ago. Matapos tanghalin na Starstruck First Princess ilang shows na ang ginawa ng aktres sa Kapuso Network, nagkaroon na din siya ng album at nakagawa ng movies.

Sabi ni Yasmien nakakatuwa na malaman na throughout these years, laging nandiyan ang GMA-7. “Siyempre thankful kami kay God sa blessings na binibigay ni LORD and siyempre ang GMA hindi kami pinapabayaan all this time,”

“Were very happy, nakakaiyak sa saya, 'di ba like kunwari nafefeel mo na mayroon nag-aalaga sa 'yo, mayroon ka pa rin family na natatakbuhan. Mayroon ka pa ring nanaynanayan and tatay-tatayan. Kahit alam natin showbiz 'to, pero mga totoong tao sila sa 'yo and naging parte sila ng buhay mo”. saad ni Yasmien.

At ngayon mommy na siya to the cute baby girl Ayesha Zara, madalas naitatanong sa kanya kung hahayaan niya ang kanyang anak na pumasok sa mundo ng showbiz. Ayon sa Kapuso actress okay lang sa kanya ang commercials pero kung taping huwag daw muna.

“Yung tapings mismo ng showbiz mahirap kasi. Ako mismo nandito sa trabahong ito and nakikita ko 'yung mga bata sa set namin. Sa totoo lang po, talagang sobrang hirap for the kids, kasi like magpupuyat sila. Minsan may cut-off, pero minsan hindi natutupad 'yung cut off, kasi may aberya ganito, may aberya ganun. Production pa din ito eh,” paliwanang ni Yasmien.

Dagdag pa nito hindi daw niya kayang makita na mapapagalitan si Ayesha, “Mahirap for the kid na minsan napapagalitan, kasi hindi mo din masabi, kasi kid nga kaya minsan nagtatantrums. Ayoko mangyari 'yun sa baby ko, hindi ko lang kaya”.

-- Text by Aedrianne Acar, Photo by Elisa Aquino