Celebrity Life

Manilyn Reynes, nagpasalamat sa mga patuloy na nagta-trabaho sa kabila ng COVID-19 pandemic

Umaapaw ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Manilyn Reynes sa lahat ng mga tao na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng paglala ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ngayong araw ay umakyat na sa 501 ang bilang ng mga pasyente na naitala.

Sa kanyang Instagram post, unang pinasalamatan ng Pepito Manaloto star ang mga health care providers na patuloy lumalaban sa sakit na ito.

"Sa panahong ito, napakarami pong dapat pasalamatan...Unang-una, maraming salamat po, God, sa patuloy na pagmamahal sa amin.

Sa hospitals at healthcare providers. Sa doctors at nurses, at sa lahat ng tumutulong sa kanila.

"Sa scientists na tuloy-tuloy ang pagsasaliksik at pag-aaral na makahanap ng lunas at vaccine."

Hindi rin nakalimutan ni Manilyn bigyan pugay ang mga blue collar worker tulad ng drivers at security guards na ginagampanan ang kanilang trabaho sa gitna ng pandemic.

"Sa mga open na tindahan at ang mga nag-se-serve sa atin sa mga ito. Sa pharmacies at mga tao nito na tumutulong sa atin - pharmacists. Sa cleaners at janitors na sinisigurong malinis ang kapaligiran.

"Sa pilots at flight attendants. Sa drivers. Sa delivery kuyas na nagde- deliver ng food at goods. Sa banks, managers at clerks. Sa men at women in uniform. Sa mga nasa sanitizing facilities. Sa security guards. Sa journalists at reporters na nag-bibigay sa ating lahat ng update at naghahatid ng balita 24 hours. "

Dagdag pa ni Manilyn, "At sa lahat din po ng tumutulong at nagtu-tulong-tulong. Maraming, maraming, maraming salamat po. God bless you all. God bless us all."


Sa isa namang post, maigting ang paki-usap niya sa mga Kapuso na maging tapat sa impormasyon na ibinibigay nila sa kanilang mga doktor para hindi sila mapahamak sa COVID-19.


MORE ON THE CORONAVIRUS UPDATE:

Clothing brand creates PPEs for Filipino COVID-19 frontliners

IN PHOTOS: How celebrities stay productive during the enhanced community quarantine

Coronavirus Watch: List of fake health advice about COVID-19