TV

Manilyn Reynes, miss na ang mga kasamahan sa 'Pepito Manaloto' ngayong pandemya

By Aedrianne Acar

Nagbigay ngiti sa mga netizen ang throwback post ng actress-singer na si Manilyn “Mane” Reynes last week, kung saan inalala niya ang isa sa memorable tapings nila sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Screenshot taken from Manilyn Reynes's Instagram account

Apektado pa rin ang taping ng sitcom na pinagbibidahan ni Manilyn, dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan pinili muna ng pamunuan ng GMA-7 na pansamantalang itigil ang shooting hindi lamang ng Pepito Manaloto kundi pati na rin ang ibang show upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga artista at crew.

Sa Instagram post ni Manilyn noong July 23, ibinahagi niya ang video na kuha sa Asian Cruise trip ng sitcom noong 2014.

Dito makikita ang buong cast na sumasayaw sa hit song ni Psy na “Gentleman” habang gumagalaw ang kanilang enteblado.

Sabi ni Mane sa post, “Missing My Pepito Manaloto Family. Nung 2014 po ito, nag-Asian Cruise ang Pepito Manaloto Maka-sayaw, wagas e, haha!🏼🕺🏻 Miss ko silang lahat. #PepitoManalotoAsianCruise2014.”

Nung 2014 po ito, nag-Asian Cruise ang Pepito Manaloto😊 Maka-sayaw, wagas e, haha!😂💃🏼🕺🏻 Miss ko silang lahat. #PepitoManalotoAsianCruise2014 @gmanetwork

Isang post na ibinahagi ni manilynreynes27 (@manilynreynes27) noong

Napa-react naman ang co-stars ni Manilyn sa Pepito Manaloto na sina Jake Vargas at Jessa Zaragoza na ramdam din ang pagka-miss na mag-shoot para sa hit comedy show.

Sa ngayon, mataimtim na ipinagdarasal at buhos ang suporta ng Pepito Manaloto team sa lead star at creative director nila na si Michael V. na humaharap sa matinding hamon, matapos inanunsyo ng seasoned comedian last July 20 na tinamaan siya ng COVID-19.

RELATED:

Michael V., positibo sa COVID-19

#Yayamanin: A peek inside Manilyn Reynes' customized van