Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, ikinuwento ang experience habang stranded sa Amerika

By Cherry Sun

Ikinuwento ni Rufa Mae Quinto ang kanyang buhay sa Amerika matapos ma-stranded nang mahigit dalawang buwan dahil sa COVID-19 outbreak.

Ayon kay Rufa Mae, lumipad sila ng kanyang anak na si Alexandria patungong San Francisco, USA para makasama ang kanyang asawang si Trevor Magallanes para sa Valentine's Day at pati na sa third birthday ng kanilang anak.

Aniya, “Dapat 2 weeks lang kami dito, pero dahil sa COVID-19, lockdown and shelter in place, no flights and we got so scared to take a flight back to Manila since may baby nga ako, delikado kapag ibiyahe ko siya.”

Ang dalawang linggo nilang plano ay nauwi sa mahigit sa dalawang buwang pamamalagi sa ibang bansa. Gayunpaman, natutunan na raw ni Rufa Mae kahit paano ang pamumuhay ngayon sa Amerika gaya ng kanyang bagong karanasan sa pamimili ng grocery doon.

Patuloy niya, “Nasanay na din kami mag- ina dito sa America, first time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines!”

Dagdag din ng aktres, “Madami din ako natutunan, how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga, dapat alert and masipag sa gawaing bahay, madaming emotions, (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life! Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don't go out, asawa ko Lang ang mag-go-grocery.

“Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I'm so happy to share it to you guysh!”

Feb 7, 2020 when we went here to San Francisco to celebrate valentines and 3rd birthday of @alexandriamagallanes , dapat 2 weeks Lang kami dito, pero dahil sa Covid 19, lockdown and shelter in place, no flights and we got so scared to take a flight back to Manila since May baby nga ako , delikado kapag byahe ko sya,nasanay na din kami mag- ina dito sa America, first time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines! Anyways, found my friends here ... @shellinatorsilog thanks for you and Mel! We can survive , we are in stage 2 or phase 2 and soon may 31, shelter in place will be over! Yehey! Madami din ako natutunan, how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga , dapat alert and masipg sa Gawain bahay, Madaming emotions , (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life! Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don't go out , asawa ko Lang ang mag go grocery , Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I'm so happy to share it to you guysh!

Isang post na ibinahagi ni Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) noong

Februay 7 nang magpunta sina Rufa Mae at Alexandria sa Amerika. Doon nakabase ang kanyang Filipino-American husband na si Trevor na isang financial analyst at police in training.

LOOK: How Pinoy celebrities abroad deal with COVID-19

IN PHOTOS: Celebrities who got stranded when the enhanced community quarantine was implemented

Rufa Mae Quinto misses going out, spams bikini pics