Celebrity Life

Iya Villania, ipinakita ang kanyang stretch marks ngayong malapit nang manganak

By Cherry Sun

Ipinagmalaki ni Iya Villania ang kanyang stretch marks ngayong binibilang na lamang niya ang mga linggo bago dumating ang kanyang ikatlong anak kay Drew Arellano.

Makikita sa Instagram post ni Iya ang kabilugan ng kanyang tiyan gawa ng pagbubuntis.

Mapapansin din dito ang kanyang stretch marks na hindi niya ikinakahiya.

Aniya, “My bunso just for a few more weeks. And yes, those are tiger stripes, given to me also by this little boy when he was in my tum.”


Hindi pa kinukumpirma nina Iya at Drew ang gender ng kanilang ikatlong anak, at hati ang hula ng kanilang mga kaibigan kung lalaki o babae ang kanilang darating na baby.

Samantala, patuloy pa rin sa kanyang workouts si Iya kahit nasa ika-walong buwan na siya ng pagbubuntis.

Bigay-diin ng Kapuso star, aprubado ng kanyang doktor ang kanyang pag-eehersisyo.

Iya Villania prepares Leon for baby no. 3

WATCH: Iya Villania nag-aalangan ba sa kaniyang third pregnancy?

THE REVEAL: Iya Villania and Drew Arellano are expecting baby no. 3