Celebrity Life

Kris Aquino displays massive weight loss after attacks directed to family

By Cara Emmeline Garcia

Halos buto't balat ang mukha ni Kris Aquino sa kanyang latest Instagram post matapos manahimik ng isang linggo matapos ang direktang atake sa kanyang pamilya lalo na't sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby Aquino.

Sa pamamagitan ng video, inilahad ni Queen of All Media ang kanyang gustong sabihin sa kanyang fans matapos ipangakong magkukuwento siya tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa katapusan ng linggo.

Pero binawi ito agad ni Kris dahil, aniya, hindi pa siya emotionally ready para dito at nasa proseso pa siya ng “healing” bago humarap muli sa camera.

Aniya sa video, “I have learned na habang may pinagdadaanan to shut down all my platforms para hindi magkamali. I am human.

“From before my birthday up to tonight [there have been] professional and personal unresolved matters of the heart, and attacks on my family--specifically my children--have hurt and angered me. In fact, I am still in the process of healing.”

Sulat pa ni Kris, “Inakala ko handa na akong magsalita bukas, ready na ang production team ko. Pero habang emotional pa akoo, alam kong kahit anong pag-iingat ang gawin nila sa editing -- I am too transparent.

“Masyadong matagal n'yo na akong kilala. So regardless of what I say, you will be able to read between the lines and you will figure out the names I have tried so hard to avoid uttering. Nagtiis na for more than 1 month.”

Dahil sa sunud-sunod na problema at atake sa kanyang pamilya, pumayat na naman daw siya sa “level noong timbang when I first sought treatment for my autoimmune issues in Singapore.”

Wika pa ng 50-year-old TV personality sa kanyang mga taga-hanga, “When I do face you, it will be on my terms.

“When I am fully prepared for whatever consequences my words may carry. Until then, kailangan malaman n'yo how much I have missed all of you.

“Hindi ako nakasal sa tamang paraan -- the vows: I take thee to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part-- in my heart, para sa inyo 'yan.

“And in my countless ways, pinaramdam n'yo na ganyan din kayo sa 'kin. Kaya sana walang iwanan. Konting hintayan lang.”

Basahin ang kanyang buong statement:

Ilang oras bago n'ya ipinost ang video, nagbahagi ng isang cryptic post si Kris na nagsasaad na may mga rebelasyon siyang inihanda na talagang ikakagulat ng publiko.

Aniya sa post, “It's time to share my story and my truth. See you this weekend.

“I still don't look healthy enough. Since we've waited to reunite, I owe you to be at my physical and emotional best.”

Ang mga paratang na ito ay ibinahagi ni Kris matapos niyang almahan ang mga tsismis na nakabuntis ang kanyang panganay na anak na si Joshua.

Tingnan ang ilan pang mga kontrobersiyang nilabanan ng TV personality sa kanyang showbiz career sa gallery na ito: