GMA Logo Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Photo source: dennistrillo IG
Celebrity Life

Dennis Trillo, nag-react sa BINI Lyn video ng asawa na si Jennylyn Mercado

By Karen Juliane Crucillo
Published December 12, 2024 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado


Ang mag-asawang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado hindi papahuli sa online trends!

Nawili na nga ang mag-asawang sina Dennis Trillo at Jennlyn Mercado sa pag-post ng mga video online.

Naunang maging libangan ni Dennis ang TikTok at sumunod na rin si Jennylyn sa kaniyang mga yapak.

Sabi ng aktor, "Noong nagsimula ako mag-TikTok, okay ito ah, ang daming nanonood, ang daming natutuwa. So, nahikayat ko na rin 'yung asawa ko na gawin 'yun."

Ibinida niya na silang dalawa na ngayon ang nag-iisip ng mga content. Ikinuwento niya rin na ngayon ay mas madalas pa magpadala ng mga Reels na gagayahin para sa mga susunod nilang mga videos si Jennylyn.

"Natutuwa ako na may ka-partner na ako rito sa kalokohan ko," dagdag nito.

Nabanggit rin muli ni Dennis nang nahuli siya ni Jennlyn sa banyo na nagti-TikTok na kinaaliwan ng kanilang fans.

Pag-amin naman ni Dennis, "Wala na akong masyadong TikTok sa loob ng banyo dahil madalas, kasama ko na siya. Aprubado na sa asawa ko."

Kamakailan, naglabas naman si Jennylyn ng kaniyang BINI Lyn video kung saan ang aktres ay isinuot ang denim set ni BINI Mikha.

Ang aktres ay sumayaw ng "Salamin, Salamin" at nagpa-cute sa harap ng camera.

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

"Nagulat ako doon at nakakatawa at masaya rin ako na maraming natuwa sa ginawa niya na 'yun. Excited talaga ako sa mga susunod pa naming videos na maaari niyo pang mapanood," komento ni Dennis.

Dagdag nito sa kanilang mga taga-hanga, "Kaya abang-abang kayo diyan!"

Mapapanood naman si Dennis kasama si Ruru Madrid sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kanyang entry na Green Bones.

MEANWHILE, TAKE A LOOK AT DENNIS TRILLO AND JENNYLYN MERCADO'S BEAUTIFUL RELATIONSHIP IN THIS GALLERY: