advertisement
Celebrity Life

TikTok trends na sinimulan ng ilang celebrities

1 of 8

Rochelle Pangilinan-Solinap

Trending ngayon sa TikTok ang "Di Ko Na Mapipigilan" dance challenge na sinimulan ng OG SexBomb idol na si Rochelle Pangilinan-Solinap. Sa kasalukuyan, umabot na sa 3.7 million views ang TikTok video ni Rochelle.

2 of 8

SexBomb Aira Bermudez

Humahakot din ngayon ng million views at likes ang mga content ng SexBomb dancer na si Aira Bermudez sa kanyang TikTok account. Isa na rito ang Kaldag-Like a river dance video ni Aira na umabot na ng 31 million views at 3.2 million likes.

Ang dancing skills ni Aira ay hindi lang pang Pinas kundi pang international din. Sa katunayan, napansin ito ng American comedienne na si Rosie O' Donnell.

3 of 8

SexBomb Girls

Nagmistulang mini virtual reunion ng SexBomb girls ang pinagsama-samang TikTok videos nila habang sinasayaw ang trending ngayon na'Di Ko Na Mapipigilan dance challenge.

Mapapanood dito ang ilang mga naunang SexBomb members na sina Jopay Paguia, Sandy Tolentino, Louise Bolton at madami pang iba.

advertisement
4 of 8

Niana Guerrero

Bukod sa pagiging isa sa mga may pinakamaraming followers sa TikTok, naging global hit din ang dance choreography ni Niana sa kantang "Booty Wurk," kung saan umabot sa 4.1 million views.

5 of 8

Mark Herras

Dahil sa walang kupas na husay sa pagsayaw ng OG Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras, ilang Pinoy fans at followers niya ang nahuhumaling ngayon na gumawa ng sarili nilang version ng #markherraschallenge sa TikTok.

Bago matapos ang taon, naging viral ang dance choreography ni Mark sa kantang "Superstar," na kinagiliwan ding gawin ng kanyang mga kapwa aktor.

6 of 8

Lani Misalucha

"'Yung mag de-December na at kailangan mo ng extrang pera," ito ang biro ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa viral 'Jingle Bells' performance niya sa 'The Clash 2021 noong November 27.

Mula sa performance ni Lani na napanood sa telebisyon, ilang artista at netizens ang gumawa ng kanilang sariling version ng "Jingle Bells" gamit ang boses ng Asia's Nightingale na sumisikat din ngayon sa TikTok.

advertisement
7 of 8

The TikTok family of Sherilyn Reyes-Tan

Kinaaaliwan ngayon ng ilang netizens ang TikTok videos ng pamilya ni Sherilyn Reyes-Tan. Mapapanood dito ang kanyang asawa na si Chris at kanilang tatlong anak na sina Ryle, Lorenz, at Eia.

Isa ang Anaconda challenge sa patuloy na humahakot ngayon ng million views sa TikTok account ng Kapuso actress.

8 of 8

Will Ashley at Jillian Ward

#Stolen! Kilig vibes naman ang dala ng Prima Donnas stars na sina at Will Ashley at Jillian Ward nang i-post nila ang isang Tiktok video. Sa kasalukuyan, nasa 7 million views na ang video ng Kapuso stars.