Celebrity Life

WATCH: Summer adventures ng ilang Kapuso celebrities

By Cara Emmeline Garcia

Summer vacation na kaya get ready to enjoy and explore!

Subukan ang iba't ibang celebrity summer activities na ito na tiyak na mapapa-wow at mapapasigaw ka sa excitement.

Isa na rito ang scuba diving na hilig ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia.

Katulad ni Gabbi, mahilig din sa scuba diving si Arra San Agustin na isa ring licensed scuba diver.

Ani Arra, “I dive talaga. Sa ngayon, sana gusto ko makadami ako ng dive spots para marami akong makitang mga reef.

“Sinubukan lang namin ito ng best friend ko. Tapos after nun, natuwa kami kasi ang sarap ng feeling tapos underwater at ang ganda ng nasa ilalim.”

Isa na rin sa maaari ninyong subukan ay ang camping na suggested ni Kapuso vlogger Mikael Daez.

Ngayong summer, kakaiba raw ang camping na gagawin nila ng kanyang girlfriend na si Megan Young dahil lilipad sila papuntang Iceland.

Sabi ni Mikael, “Matagal na namin itong plinano, noong The Stepdaughters pa lang kaya we're super excited.

“It's gonna be a one week and a half trip to Iceland. So, definitely magka-camping kami and go on a road trip around Iceland.”

Para sa iba pang summer adventures na Kapuso celebrity approved, panoorin ito: