Celebrity Life

WATCH: Jennylyn Mercado survives being a Zumba instructor for a day

By Jansen Ramos

Sa second episode ng “Jen Survives,” sinubukan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado na maging Zumba instructor.

Aniya sa kanyang vlog, "Siguro para sa iba ay madali lang ang pagsasayaw kasi na-master na nila o hilig talaga nila, pero para sa'kin, isa 'tong malaking challenge.

“So, tingnan natin kung makaka-keep up ako."

Nagpunta si Jennlyn sa Quezon Memorial Circle para i-meet ang professional Zumba instructors na sina Le-Ann at JB.

Para makapasa bilang zumba instructor, nag-audition ang Love You Two actress at sinayaw ang "Step Into The Rhythm," ang pinasikat na dance craze ng kanyang StarStruck batchmate na si Rainier Castillo.

Pumasa naman si Jennylyn sa audition at nagpaturo ng ilang zumba steps kina Le-Ann at JB.


Matapos makapagbihis, sinorpresa niya ang ilang Zumba dancers at nagpakilala bilang si Gema Ling na isang Singaporean Zumba instructor.

Jennylyn Mercado, ipinakita ang kanyang gaming skills sa isang vlog

Na-survive kaya ni Jennylyn ang challenge? Alamin sa video na ito: