Celebrity Life

WATCH: Rodjun Cruz dances to Justin Bieber's 'Yummy'

By Aaron Brennt Eusebio

Pinakita ni Kapuso actor Rodjun Cruz ang kanyang kakayahan sa pagsasayaw nang sumabak siya sa Yummy Dance Challenge.

Sa Instagram, mapapanood si Rodjun na humahataw sa balcony ng kanilang bahay sa Quezon City.

"Friday mood!" sulat ni Rodjun sa caption.


Bilib naman ang kapatid ni Rodjun na si Rayver at ilang netizens sa galing ni Rodjun. Ang iba ay nag-request pa na sayawin nila ng kanyang asawa na si Dianne Medina ang viral dance craze na "Tala."