TV

WATCH: Kim De Leon, Shayne Sava at Lexi Gonzales, sumabak sa 'Yummy Dance Challenge'

By Patricia Isabella Romarate

Trending ngayon ang 'Yummy Dance Challenge' na hango sa latest hit song ni Justin Bieber na 'Yummy.'

Makikita sa social media na may iilang Kapuso stars tulad nina Miguel Tanfelix at Rodjun Cruz na ibinahagi sa kanilang Instagram ang version nila ng sayaw na ito.

Ngunit, hindi rin nagpahuli ang StarStruck Season 7 survivors na sina Kim De Leon, Shayne Sava at Lexi Gonzales sa pagsabay sa viral dance challenge na ito.

Sa tulong ng choreographer na si Kata Iral, natutunan nila ang steps sa Yummy Dance Challenge kasama ang Kapuso host na si Camille Prats sa 'Push Mo Mars!' segment ng Mars Pa More.

Na-pull off kaya nila ito?

Panoorin ang highlight episode ng Mars Pa More dito: