Celebrity Life

Andrea Torres, ibinahagi ang laman ng kanyang bag

By Marah Ruiz

Ibinahagi ni Kapuso actress Andrea Torres ang laman ng bag na lagi niyang dala sa bagong niyang vlog.

Ang gamit na bag ni Andrea ay ang Medium Ophidia GG Backpack mula sa luxury brand na Gucci. Nagkakahalaga ito ng $1,790, o higit PhP 90,000 base sa current exchange rate.

"Naghanap talaga 'ko ng backpack na puwede kong iterno sa kahit saan. Ever since binili ko 'to noong Valentines sa Japan, ito na 'yung lagi kong gamit," kuwento niya.

Kapansin-pansin kaagad ang laki ng bag ni Andrea. Kadalasan kasi, dala rin niya ang gamit ng nobyong si Derek Ramsay.

Alamin ang laman ng bag ni Andrea sa bago niyang vlog.

Samantala, inanunsiyo din nina Derek at Andrea na pansamantala muna silang titigil sa pagsu-shoot ng kanilang vlogs dahil sa banta ng COVID-19.

Para daw ito sa kaligtasan nila at ng kanilang production team lalo na at nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.