Celebrity Life

Jeric Gonzales rekindles with his old love during enhanced community quarantine

By Cara Emmeline Garcia

Muling binalikan ni Magkaagaw star Jeric Gonzales ang kanyang husay sa pagtugtog sa keyboard ngayong nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Jeric Gonzales

Sa kanyang post sa Instagram, binalikan at ipinasilip ni Jeric ang kanyang talento sa keyboard habang pinapatugtog ang “Song for Brother” ng hit K-drama series na Crash Landing on You (CLOY).

Anang Kapuso actor, “Jam jam muna tayo. Let's stay at home and be safe. Kaya natin 'to.”

Let's stay at home and be safe ❤️Kaya natin to 💪🏻☝🏻🙏🏻

Isang post na ibinahagi ni Jeric Gonzales (@jericgonzales07) noong

Kabilang si Jeric Gonzales sa maraming celebrities na na-hook sa panonood ng CLOY at pinatugtog ang piece na isinulat ni Captain Ri (Hyun Bin) para sa kanyang yumaong kapatid.

Ang Crash Landing on You ay isang romcom series tungkol sa isang South Korean heiress na si Yoon Se Ri (Son Ye Jin) na nag-crash land sa North Korea at nakilala ang isang North Korean military officer na si Captain Ri.

Maraming netizens ang natuwa sa performance ni Jeric. At ang ilan, inihalintulad pa siya kay Captain Ri.

Bukod kay Jeric, ipinamalas din nina Chris Tiu at Laureen Uy ang kanilang talento sa pagtugtog ng piano piece na ito ng Crash Landing On You.

K-drama 'Crash Landing on You' crushes 'Goblin' with episode finale

LOOK: This Pinay visited the set of 'Crash Landing on You'